Sabado, Hulyo 2, 2016

WIKANG PILIPINO

       

Ang isa sa pinaka importanteng bagay dito sa pilipinas ay ang wikang pilipino pero bakit ang ilan sa atin ay hindi pinapahalagahan ang pambansang wika? diba dapat nating pahalagahan ito? bakit ilan satin pinaglalaruan at di nirirespeto ang wikang pambansa?

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng ibat'ibang aspeto ng bansa.

Ang wikang pilipino ay mahalaga at kinakialangan ng ating bansa sapagkat ito ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag usap ng bawat mamamayan. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo , tunog , at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Ang wikang pambansa ay ang wikang pahkakakilanlan ng ating bansa. ito ang wikang pulitika, kultural at ng mga lipunan. Sa pangkalahatan, ito ay nalilinang upang maging wika ng pambansang pagkakaisa atb tungkulin nitong mag silbing pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan. Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa ikapananatili nito at kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi sa kaunlaran.
Kung bakit? Ang pagkakaruon ng sariling wika ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng mabuting pakikipagtalastasan, kaisahang pag-iisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may pagmamalasakit nang bawa’t pamayanan.
Paano mapapanatili at makakapagtibay kaunawaan kung hindi gagamitin? Pilipino ka, Pilipino ako, sino pang magsasabing siya ay Pilipino? Kung siya na man ay walang katibayan kahit sa pananalita? Ano ba ang wika ng isang mamamayang nakatira sa bansang Pilipinas? Kung sinasabi mo na ikaw ay Pilipino, gumamit ka gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan. Isa ka bang mamamayan na nagmamahal sa iyong bayan?
Sa wika – ayon sa katalagahan nito o tinatawag na naturalesa ang lahat ng nilalang ay magkakaugnay; nagkakabuklod-buklod. Gaya nalang ng prinsipyo ng tore ni babel. Ang dahilan kung bakit sila nanatiling matatag at ang pagkakaruon nila ng isang pamahalaan ay ang wika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento